HomeLoginMovie ScheduleNewsStatisticsPreferenceBox OfficeHelp

'Ubo tapos, cash lubos' promo ng Tuseran

Ang utak ay nakakapag bigay ng matinding kapangyarihan sa isang tao. Kapag ito ay may diperensya, masama ang epekto nito sa pag-iisip at pagkilos ng isang tao. Ano ang dapat gawin ng isang taong may disorder tulad ng paranoia, manic depression, obses...

Apr 16
 

'Ubo tapos, cash lubos' promo ng Tuseran

Column: Star Nga Siguro!
Author: Alfie Lorenzo

Ang utak ay nakakapag bigay ng matinding kapangyarihan sa isang tao. Kapag ito ay may diperensya, masama ang epekto nito sa pag-iisip at pagkilos ng isang tao.

Ano ang dapat gawin ng isang taong may disorder tulad ng paranoia, manic depression, obsessive-compulsive behavior, at psychoneurosis?

Sa tulong nina Shyr Padilla, Gene Padilla, Jan Marini-Alano, at Dr. Carlos Banaag, malalaman ang kasagutan sa Moms mamayang 5:30 PM sa QTV 11. ***

Magsu-show si Kitchie Nadal bukas (Huwebes) nang 8:00 PM sa Starz Theater Bar

and Restaurant na nasa Gov. Pascual St. , Catmon, Malabon

City.

Ang halaga ng tiket ay P200.

Gabi-gabi ay may live band sa Starz Theater na pag-aari ni

Ernie de la Cruz, ama ng aktres na si Angelika de la Cruz. ***

Tag-ulan na kaya marami na naman ang tatamaan ng sakit. Isa na rito ang ubo at kapag ito ay nangyari, hassle!

Ang iba, tinitiis ang karamdaman pero karamihan, hahanap agad ng lunas.

Si Judy Ann Santos ay isa sa mga hindi tinitiis ang ubo kaya sa umpisa pa lang, ginagamot na niya ito… at naniniwala siya sa total loving cure ng TUSERAN.

Sabi ni Juday, "Matiisin ako, pero di sa ubo. Ang ubo, di dapat tinitiis. Ang Tuseran lang ang may multi-ginhawa formula na wala sa iba. Kaya tapos ang ubo, bago pa man lumala. "

Ngayong Hunyo, hindi lang good health ang dala ng Tuseran kundi may chance pa kayong manalo ng maraming cash.

Mula Hunyo 3 hanggang Hulyo 27, 2007, handog ng Tuseran ang UBO TAPOS, CASH LUBOS PROMO. Napakadaling sumali!

Kapag napanood ang ‘drama vignette promo spot’ sa mga programa ng ABS-CBN, hulaan ninyo lang ang missing word dahil umubo si Juday.

Mamili sa multiple choice ng mga sagot at i-text ang TUSERAN letter of choice OR# location keyword Name/Address and send to 29769.

Lahat ng tamang entries ay makasasali sa electronic raffle. Araw-araw, mula Hunyo 3 hanggang Hulyo 27, 2007, may isang mananalo ng P2,500 mula GMA, Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Para sa grand draw sa Agosto 4, 2007, tatlo ang lucky texters na maaring manalo ng:

1st prize: P100,000

2nd prize: P25,000

3rd prize: P10,000

Source: Abante Tonite