HomeLoginMovie ScheduleNewsStatisticsPreferenceBox OfficeHelp

Showbiz predictions of Rene Mariano

Sinang-ayunan ng kilalang manghuhula na si Rene Mariano ang naging pahayag ni Ali Sotto na ang pinakadahilan ng paghihiwalay nina Angel Locsin at Oyo Sotto ay dahil kulang sila ng panahon sa isa't isa. Si Ali ang ina ng yumaong young actor na si Mi...

Apr 19
 

Showbiz predictions of Rene Mariano

Author: Alex Datu


Sinang-ayunan ng kilalang manghuhula na si Rene Mariano ang naging pahayag ni Ali Sotto na ang pinakadahilan ng paghihiwalay nina Angel Locsin at Oyo Sotto ay dahil kulang sila ng panahon sa isa't isa. Si Ali ang ina ng yumaong young actor na si Miko Sotto, na dating boyfriend ni Angel.

Ayon pa kay Rene, naniniwala rin siya na walang kinalaman si Robin Padilla sa hiwalayan nina Angel at Oyo. Idinagdag din niyang ang pagkaka-ospital ng young actress ay hindi dahil sa depression sanhi ng break-up nila ni Oyo, kundi dahil sa food poisoning talaga.



Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sikat na manghuhula pagkatapos ng guesting nito sa taping ng ABS-CBN morning program na Homeboy kahapon, January 3.

Aniya, "Ang vibes ko talaga ay nagkaroon ng problema because of differences in characters. ‘Yong sa oras ang una, kulang sila ng panahon sa isa't isa. Yung pangalawa, ang tendency kasi ni Oyo, he's the type na parang si Vic Sotto at Dina Bonnevie, na medyo a man who wants to control his woman.



"Si Angel naman, mapagmahal ‘yan e. Susunod at susunod siya, pero may mga pagkakataon na may breaking point din at ‘yon ang magiging dahilan para magkaroon sila ng lie low."



Patuloy pa niya, "Ang sinasabing may third party si Oyo na siyang naging dahilan ng break-up nila ni Angel ay hindi totoo. Kumbaga, nagkaroon lang sila ng change of ideas.

"Tungkol naman sa balitang posibleng ma-in love si Angel kay Robin Padilla ay hindi rin totoo... Hindi kasi papatulan ni Angel [si Robin] kasi alam niyang may asawa."



MYLENE DIZON. Marami pang ibang hinulaan si Rene sa mismong taping ng programa ni Boy Abunda. Isa na rito si Mylene Dizon na hinulaang magkakabalikan sila ni Paolo Paraiso, ang ama ng kanyang anak na si Tomas.

Nang hingin ng PEP ng reaksiyon si Mylene tungkol sa hula ni Rene pagkatapos ng taping, tumawa muna ito at nagsabing, "Hindi ko alam."

Patuloy niya, "Bakit naman hindi magiging posible? Pero we don't know what's going to happen in the future. Me and Paolo naman, we still have very good communication. We still talk. He still stays with us in Wack-Wack because siyempre, tinutulungan niya ako ng pag-aalaga kay Tomas.



"We're very good friends. ‘Yong sinasabi ni Mr. Mariano kanina na baka nga magkabalikan kami, baka nga naman... Hindi naman namin isinasara ang aming mga pintuan sa isa't isa. Kung matuloy sa kasalan...whatever."



MIKO PALANCA. Ayon naman sa nababasa ni Rene sa tarot cards para kay Miko Palanca, hanggang ngayon ay pinag-iisipan pa raw nito kung talagang pag-aartista o hindi ang gusto niyang gawin.

Sabi ni Rene kay Miko, "I have a strong feeling na you are not for showbiz. That you are going to be better somewhere else like in the fields of business, sports, and others."

Nagbigay rin ng pahayag ang manghuhula sa lovelife ni Miko, na boyfriend ngayon ng sikat na young actress na si Bea Alonzo.

"Sa lovelife mo, you are going to make a decision whether to continue or to end it. It's more of a gamble, parang walang permanence," sabi ni Rene.

ERAP & GLORIA. Hinulaan din ni Rene na hindi makakalaya si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada sa taong ito.

Tungkol naman sa impeachment na hinaharap ngayon ni President Gloria Macapagal Arroyo, malaki raw ang posibilidad na matuloy ito. Ang tanging magagawa lamang ni GMA ay subukan nitong magkaroon ng Charter Change para hindi matuloy ang election na nakatakda sa Mayo.



Ayon pa kay Rene, kung maraming papasok na mga artista sa eleksiyon ay tiniyak nito na marami rin ang matatalo. Sa sampung tatakbo raw ay tatlo ang nakikita niya na mananalo—maliban na lamang sa mga tatakbo sa mababang puwesto.



KIMERALD. Gusto ni Rene ang loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Pero naba-vibes ng manghuhula na hindi sila magkakatuluyan sa tunay na buhay ‘tulad ng nangyari kina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

ALMA MORENO. Ikinabahala naman ng isa pang guest ng show na si Alma Moreno ang hulang isang komedyante ang mamamatay sa taong ito dahil sa aksidente sa sasakyan. Lalaki raw ito, pero hindi matanda. Nahimasmasan lamang si Alma nang sabihing taga-ibang TV network ito.

Si Alma ay dating asawa ng comedian na si Dolphy na talent ng ABS-CBN, at ina naman ni Vandolph, isa ring ABS-CBN talent na lumalabas sa mga programang pang-comedy.

OTHER PREDICTIONS. May young actress din daw na mabubuntis na may mga letrang S at C sa kanyang pangalan.

May nakikita si Rene na isang TV network na magkakaroon ng malaking sunog na magmumula sa isang studio, pero maaagapan daw ito.

Hinulaan din ni Rene na muling mamamayagpag ang ABS-CBN pagkatapos ng ilang pagbabagong gagawin nito.


Source: Philippine Entertainment Portal