HomeLoginMovie ScheduleNewsStatisticsPreferenceBox OfficeHelp

Pinoy porno

Hindi itinatago nina Direk Francis "Jun" Posadas at scriptwriter na si Dennis Evangelista na malaki ang impluwensya sa kanila ng pinag-uusapang sex scandal sa Cebu at Dumaguete para mabuo ang pelikulang Sex-Scandal. Binago nila ang sitwasyon at kwento ...

Apr 23
 

Pinoy porno

Author: The Philippine Star

Hindi itinatago nina Direk Francis "Jun" Posadas at scriptwriter na si Dennis Evangelista na malaki ang impluwensya sa kanila ng pinag-uusapang sex scandal sa Cebu at Dumaguete para mabuo ang pelikulang Sex-Scandal. Binago nila ang sitwasyon at kwento upang protektahan ang lugar at ang mga babaeng biktima ng nasabing iskandalo. Dahil sa nasabing insidente ay naisip nilang gumawa ng kwento tungkol sa pornograpiya. Sa pelikula ay tinalakay din nila ang illegal na gawain ng mga VCD sex trader.

Sinasabi na isa sa pinaka-bold na pelikula sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino ang Sex Scandal. May mga nagsasabi na malapit na sa porno ang dating ng pelikula dahil sa sobrang hubaran. Ipinagtanggol ni Direktor Posadas ang pelikula niya na hindi ito porno films. .. "Kaya pumasa sa MTRCB ang grabeng love scenes sa pelikula namin dahil nasa "context" ito ng istorya lahat. Sa totoo lang, anti- pornography ang pelikula kaya maraming aral na mapupulot dito".

Tampok sa pelikula sina Allen Dizon, Anne Borromeo, Isabela Gomez, Danna Garcel, Gerald Lauron, JP Obligacion, Irma Adlawan at Clem Fernandez. Mula ito sa Sacramento Films at released thru Angora Films.

Source: The Philippine Star