HomeLoginMovie ScheduleNewsStatisticsPreferenceBox OfficeHelp

Naloka sa fashionistang aktres!

Kung may Oktoberfest ang telebisyon, bukas ito gaganapin ito sa ABS-CBN dahil bukas ng gabi na ang grand finale ng kanilang toprating soap na Bituing Walang Ningning. Pagkatapos nito, magkaroon naman ng special premiere ng Maging Sino Ka Man, ang bago...

Apr 19
 

Naloka sa fashionistang aktres!

Column: Insider
Author: Billy Balbastro

Kung may Oktoberfest ang telebisyon, bukas ito gaganapin ito sa ABS-CBN dahil bukas ng gabi na ang grand finale ng kanilang toprating soap na Bituing Walang Ningning.

Pagkatapos nito, magkaroon naman ng special premiere ng Maging Sino Ka Man, ang bagong handog ng ABS-CBN.

Wala muna ang Friday episode ng Maalaala Mo Kaya to give way to MSKM, na gagawing dalawang oras.

Sinasabi namin na isang five-star soap ang MSKM.

Kung meron tayong five-star hotel at five-star general, five-star din ang drama series nina John Lloyd Cruz, Bea Alonso, Anne Curtis at Sam Milby with Christopher de Leon.

Icindentally, ito ang pinakaunang soap ni Sam Milby at ni Christopher de Leon sa ABS-CBN.

And look who are back? Sina Chin Chin Gutierrez, Ramon Zamora at Bing Pimentel. ***

Tahimik lang na umalis patungong Australia ang pangkat ng Walang Kapalit ni Wenn Deramas.

Kasalukuyang nagte-taping doon for two weeks sina Piolo Pascual at Claudine Barretto. Mid-October ang balik dito dahil may mga show commitments sa US si Piolo with Rica Peralejo naman.

Hindi naman nagmamadali ang pangkat dahil hindi pa naman isasalang ang Walang Kapalit sa Dos. Baka late this year pa ito sa ere.

Si Direk Wenn ay magsisimula ng bagong pelikula sa Viva this October 18, Ang Cute ng Ina Mo. By that time nasa bansa na siya.

Pelikula ito nina Ai Ai delas Alas at Anne Curtis sa Viva Films. ***

Nasa mga sinehan pa rin sa Metro Manila ang Twilight Dancers on its third week starting today. Nagsimula ito sa 23 theaters. On its second week, 21 theaters pa rin sa Metro Manila.

This week nasa Robinsons Ermita, Galeria at Imus. Sa Isetann Cinerama at Starmall din. Plus 11 provincial theaters pati sa Pampanga.

Hinahanda ito nina Dante Mendoza at Mel Chionglo para sa Chicago International Film Festival later this month. ***

Sa bakuran ng GMA 7 magsasama sa isang episode ng Magpakailanman ni Mel Tiangco mamayang gabi ang husband-and-wife team, sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino.

Itatampok ang Jimmy & Cora Salalima Story sa episode na pinamagatang Hiram na Haplos.

Isa lang ang anak nina Jimmy at Cora pero naging foster parents sila sa 47 na mga ulila sa Kaisahang Buhay Foundation nila.

Kasama sa cast sina Suzette Ranillo, Rosemarie Sarita, Sandy Talag, Vannes del Moral, Renz Juan and Miguel Tan Felix. ***

Ayon sa kanyang mga publicist, isang "fasionista" itong actress-product endorser na nagsa-shopping sa bansang pinanggalingan niya each time na umuwi siya to visit her family.

Dapat siguro i-update ng aktres ang fashion trend sa bansa niya with the trend dito sa atin. Nang mag co-host iyan sa isang show, naloka ang mga boss ng show sa mga damit na sinusuot niya. Aba, may mga ruffles pa.

Dito sa atin ngayon, only Boy Abunda can get away with ruffles.

Nawawalan ng gana ang mga show boss niya sa mga damit ng "fashionista". Baka pagbalik ng show sa telebisyon, natanggal na siya. Abangan. ***

ONE-LINER: Don’t focus on what you lost but what remains. Don’t focus on the failure but on the great lessons the failure taught you.

Source: Abante Tonite