HomeLoginMovie ScheduleNewsStatisticsPreferenceBox OfficeHelp

Lovebirds Nyoy Volante, Nina no longer together

Mabilis na kumalat ang balitang hiwalay na ang magkasintahang sina Nina at Nyoy Volante. Ayon pa sa ilang source, mutual decision daw ng dalawang singers ang break-up nila. Maayos daw na nag-usap at nagkasundo na tapusin ang kanilang more or less one-y...

Apr 24
 

Lovebirds Nyoy Volante, Nina no longer together

Column: Entertainment
Author: GMANews.TV

Mabilis na kumalat ang balitang hiwalay na ang magkasintahang sina Nina at Nyoy Volante. Ayon pa sa ilang source, mutual decision daw ng dalawang singers ang break-up nila. Maayos daw na nag-usap at nagkasundo na tapusin ang kanilang more or less one-year relationship.

Pero sa kabila nito, may pagdududa naman ang aming source na naghiwalay nang maayos ang dating magkasintahan, base na rin sa nasaksihan niya sa huling gig nina Nina at Nyoy sa isang bar.

Dati rati raw kasi kapag magkasama sa gig sina Nina at Nyoy ay nagbebesohan at naghihintay ang isa sa kanila sa stage pagkatapos kumanta habang lumalabas 'yong isa.

This time, obvious daw na nag-iwasan ang dalawa dahil almost one hour pagkatapos kumanta ni Nyoy ay saka lang lumabas si Nina. Positibo ang aming source na hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay.

It's been almost a month pa lang daw since nag-break sina Nina at Nyoy. And so far, walang lumilitaw na balita na isa sa mga dahilan ng break-up ay dahil sa third party.

At the moment, umiiwas ang kampo ni Nina na ipa-interview sa press ang Soul Siren at regular performer ng ASAP '07.

Baka raw kasi may masabing maaanghang na salita sina Nina at Nyoy at tuluyan nang matapos ang kanilang relasyon. Dahil, sa kasalukuyan, sinisikap diumano ng dalawang kampo na ayusin ang problema at baka raw magkabalikan pa sila. - Philippine Entertainment Portal

Source: GMANews