|
|
| Katrina, Hayden maghaharap na sa korte![]() Author: Gerry Ocampo SA susunod na buwan na magsisimulang dinggin ng korte ang kasong isinampa ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho sa sala ni Judge Rodolfo Bonifacion ng Pasig-RTC. This time, may mga witness nang ipi-present ang bawat kampo at sa first hearing ay si Katrina mismo ang unang uupo. Hindi kasali sa mga witness si Vicky Belo, pero dadalo raw ito bilang suporta kay Hayden. Gusto rin daw ng controversial cosmetic surgeon na mari-nig ang mga inihandang panlaban ni Atty. Capunan, abogado ni Hayden. Ayon naman sa lawyer ni Katrina na si Atty. Raymund Palad, basta fair lang daw ang paglilitis ay malaki ang paniwala niyang mananalo sila dahil nakita naman daw na may nilabag si Hayden sa batas at sa karapatan ni Katrina. Samantala, ini-reverse ng DoJ ang desisyon ng QC-RTC sa kasong libel na isinampa ni Katrina laban sa ina ni Hayden na si Irene Kho. Matatandaan last year ay sinampahan ni Katrina ng kasong libelo si Mrs. Kho nang sabihan siyang nagda-drugs sa isang interview sa ABS-CBN. Na-dismiss ang kasong isinampa ni Katrina sa ina ni Hayden kaya agad humi-ngi ang abogado ni Katrina ng petition for review sa DoJ. Na-grant ang naturang petition kaya tuloy ang kasong libel ni Kat kay Mrs. Kho at hihintayin na lang daw kung saang korte sa QC-RTC ito mapupunta. Malaki raw ang paniwala ng kampo ni Katrina na maganda ang magiging resulta ng kasong isinampa niya laban kay Hayden. Parehong malalakas ang panlaban ng bawat kampo kaya kaabang-abang kung sino ang magtatagumpay. * * * GRABE ang tinatamasang kasikatan ngayon ng teeners na bida sa First Time na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene at Jhake Vargas. Makailang beses na na-ming nasasaksihan kung pa-ano dumungin ng fans ang mga ito sa kanilang campus at mall tours. Nagmistulang nagbalik ang era nu'ng kasikatan ng Guy and Pip at Vi and Bot. Grabe ang dating nila sa young generation kahit sa mga batang edad anim pataas na araw-araw ay sumusu-baybay sa First Time. Kung kinikilig ang viewers sa triangle nina Barbie, Joshua at Jhake, para naman daw nakikita ng mga manonood sa mga eksena nina Bea at Barbie ang bersyon nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes sa Mara Clara noon. Kaya naman hindi kami nagtaka nang bakit talagang dinumog ang cast ng First Time sa SM San Lazaro na halos magkasakitan ang fans. May mga hinimatay pa at 'yung iba ay nagsisigawan makita lang ang apat. Kaunting panahon pa ay puwedeng nang igawa ng pelikula ang First Time stars na sina Barbie, Joshua, Jhake at Bea. * * * HINDI nagbigay ng comment si Boy Abunda sa naganap na insidente sa pagitan ng co-hosts niya sa The Buzz na sina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez. Pinatunayan lang ni Boy na he is really a gentleman. Parehong malapit sa kanya ang dalawa, pero mas mi-nabuti niyang tumahimik. "Ang hindi pagsasalita lalo na sa mga ganitong pagkakataon is not a sign of cowardice. Mas mabuti ang manahimik lalo't alam mong hindi naman maka-katulong kung ikaw ay magsalita pa. It's prudent not to say anything, dahil ang mga ganoong pagkakataon ay normal lang na nangyayari kahit sa sino pang closests sa ating buhay," paliwanag ni Kuya Boy. Masaya drin si Boy sa anumang naging desisyon ng kanyang mga nakasama sa showbiz in and out. Tulad ng pagtanggap ni Ruffa Gutierrez ng talk show sa TV5 kasama si Cristy Fermin, one of his close friends too. * * * NGAYONG Biyernes sa Bubble Gang, mapapanood sa "Huli ni Misis" portion ang kuwento ng lalaking kinakaliwa ang kanyang asawa. Sa "P. I. ng Bangko" panay ang mura ng isang iritadong lalaki sa mga empleyado ng bangko na ubod nang bagal ang serbis-yo. Kaya tutok na sa Bubble Gang this Friday night. Source: People's Journal |