|
|
| Claudine Barretto, Mark Anthony Fernandez gagawing loveteam ng KapusoColumn: Go TINAASAN daw ng kilay ng isang kilalang persona-lidad sa ABS-CBN ang gina-wang paglipat ni Claudine Barretto sa GMA7. ? May nakarinig na sinabi ng personalidad na ito ng Dos na: "Poor Claudine, lalong lalamlam ang career niya sa kanyang de-sisyon. Baka good for one project lang siya roon (GMA7). " Pero ang hindi siguro alam ng nagtaas ng kilay, at baka ikagulat pa nito, na may tatlong malalaking projects na ang nakatakda nang gawin ni Claudine. 'Yong isa ay pagsasamahan nila ng husband na si Raymart Santiago, 'yong ikalawa, kung hindi kami nagkakamali, ay mistulang Maalaala Mo Kaya ang te-ma. Ang ikatlong project ng Kapuso para kay Claudine ay malamang pagtambalan nila ni Mark Anthony Fer-nandez. Nang hingan naman ng reaction si Mark Anthony kung papayag siyang maka-tambal si Claudine ngayong isa na rin itong Kapuso, sa-got ng aktor: "Why not? Past is past, 'di ba?" Naging seryosong magdyowa kasi noon sina Claudine at Mark Anthony. Maaalaalang nagpatato pa nga si Claudine noon ng pangalan ni Mark Anthony sa katawan niya. Pero, past is past na nga. "Both of us are happy with our partners in life. Wala na akong hurt feelings. I believe it will be a good career move kung ma-kakapareha ko si Claudine sa isang TV series," dagdag ni Mark Anthony. Pero, ano naman kaya ang masasabi ng mister ni Claudine na si Raymart Santiago sa plano ng GMA7 na loveteam nina Claudine at Mark Anthony? Well, kailangan namin siyang ma-interview! * * * SA early Christmas party na handog ni Perry P. Lan-singan at mga alagang artis-tang sina Dingdong Dan-tes, Jolina Magda-ngal, Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, Angelika dela Cruz, atbp. ay tina-nong namin si Jolens sa tunay na dahilan ng pagkawala niya sa SOP. Umalis ba siya talaga sa Siyete pa-ra lumipat sa Dos? "Bago nangya-ri ang lahat ng nangyari sa SOP, may mga plano na talaga kami ni Perry na ga-gawin. So 'yon, hindi naman porke 'di na nila ako nakikita sa SOP ay wala na akong ginagawa. Kasama kasi sa pla-no habang wala ako sa show ay busy-bi-sihan ako sa ibang bagay na hindi ko puwedeng sabihin," say ni Jolens. Sa tsikang ba-balik siya sa ABS- CBN ay bitin ang na-ging tugon ni Jolens. "Ah, hindi natin alam. Pero, basta may mga plano kami ni Perry," aniya. May offer ba sa kabilang network? "Ah, basta si Perry ang nakaaalam niyan," sagot ulit ni Jolens. Again, tinanong namin si Jolens kung may feelers ba sa Dos at ang sagot niya: "Secret. " May kinalaman ba ang paglipat ni Claudine Barretto sa GMA7 sa naging desisyon niyang ito? "Hindi naman. In fairness kay Claudine, kailan lang natin nabalitaan itong kay Clau, di ba? Sa totoo lang, nagulat ako sa paglipat ni Clau. So paano mang-yayaring doon iba-base? At saka halimbawa kung may mga plano na gagawin, ang ugali namin nina Perry hindi kami nagba-base sa emotions. Nagbe-base kami sa kung ano talaga ang da-pat. " Ano ang reaction niya na isa nang Kapuso si Claudine? "O, 'di happy. Kasi naman si Clau ever since naman hindi kami nagkaro-on ng something niyan. Hindi kami ganu'n ka-close, hindi naman kami nagkaroon ng sagutan or whate-ver. Kahit ano pa ang mangyari, kahit ano pang ibato nila, hindi talaga kami nag-karoon ng kahit anong something," wika pa ni Jolina na tipong naiinis na. Open si Jolens sa posi-bilidad na magkatrabaho si-la ni Claudine dahil talaga naman daw ganito sa mundo ng showbiz. Ang tiniyak ni Jolens, masaya siya sa nangyayari ngayon sa buhay, career man o lovelife, dahil mara-mi silang plano ng manager na nakatakdang mag-materialize early next year. * * * HINDI na kami nagtataka kung napapadalas ang guesting ni Paolo Bediones sa TV 5, dahil una ay matatapos na ang kontrata niya sa GMA7 at hindi pa raw siya nagre-renew sa Kapuso network. Kamakailan lang ay na-ging hurado siya sa programang Talentadong Pinoy hosted by Ryan Agoncillo. At last Monday, kasama siya ulit nina Miriam Quiambao at Ethel Booba na nagte-taping para sa nasabing ta-lent search show ng Singko. Mistulang nag-reunion sa Talentadong Pinoy ang mga dating hosts ng Extra Challenge noon ng Kapuso. May tsika tuloy na po-sibleng magkaroon ng show sa TV 5 ang mga dating Extra Challenge hosts lalo na't mga bonggang shows ang naka-line-up sa TV5 next year. Big stars daw ng Dos at Siyete ang hinihikayat na isama sa mga bagong shows ng Singko. Sumama na kaya rito si Paolo B? Pero may nakarating sa aming ulat na may iniha-handang programa para kay Paolo Bediones ang GMA Network para sa 2010. Dahil dito, maaaring papirmahin ulit siya ng panibagong kontrata ng Kapuso. Nang makausap namin si Paolo B noong grand final na Survivor Philippines: Palau ay nabanggit niya na open siya sa anumang tra-bahong darating sa alinmang TV network. Source: Taliba |