HomeLoginMovie ScheduleNewsStatisticsPreferenceBox OfficeHelp

Ano ang English ng MALUNGGAY?

SALAMAT kay Dondon Sermino sa pasalubong niyang relo mula sa Amerika. Muli, ang pakiusap namin sa mga mambabasa... HUWAG PO NINYONG SERYOSOHIN ang mga kabulastugang natitipon sa pitak na ito. Jokes lang po [0916-263-6847], walang personalan. *** Sa ko...

Apr 18
 

Ano ang English ng MALUNGGAY?

Column: Joke Lang Po
Author: Jerry Olea

SALAMAT kay Dondon Sermino sa pasalubong niyang relo mula sa Amerika.
Muli, ang pakiusap namin sa mga mambabasa... HUWAG PO NINYONG SERYOSOHIN ang mga kabulastugang natitipon sa pitak na ito. Jokes lang po [0916-263-6847], walang personalan.
***
Sa korte...
ABOGADO: Who stabbed you?
KLIYENTE: Kung pwede, Tagalog lang ang tanong, Atorni.
JUDGE: Interpreter, translate the question!
INTERPRETER: Sino raw si Tabyo? [Yayan, 0915-457-0003]
***
KULAS: Magaling ka bang mag-English?
TULUME: Oo naman! Bakit?
KULAS: Ganu'n?! Sige, kung magaling ka talaga, ano sa English ang malunggay?
TULUME: Ha? Ano? Hindi ko alam. Ano nga ba?
KULAS: Ha! Ha! Ha! Akala ko ba, magaling ka?! Malunggay lang, hindi mo alam? Sa English, ang malunggay ay many leaves!
TULUME: Ganu'n ba? Salamat. Alam ko na ngayon.
KULAS: Ano naman sa English ang atis?
TULUME: Atis? (nag-isip) Ahh... ehh... many seeds! Akala mo, maiisahan mo ako, ha?! Wais 'to, 'no?! He! He! He!
KULAS: Eh ang pinya?
TULUME: (mabilis na sumagot) Many eyes, of course! Ha! Ha! Ha!
KULAS: Engot! Pineapple! Ang English ng pinya, pineapple! [Mac, 0915-206-6868]
***
Hirap na hirap sa pagbubuhat ng napakalaking krus ang namamanatang si Ambo nang bigla itong napadapa at may dinukot sa bulsa... celllphone pala!
Tumawag ang kabit niya, kaya sabi ni Ambo, “M-mamaya ka na lang tumawag, hon... nagpepenitensya pa kasi ako! Sige na, bye na... mwah! ” [Pabs Rosas]
***
Nakipananghalian si Kaloy sa kumpare niyang si Dario...
KALOY: Bilib ako sa inyo, pare! Talagang nag-aayuno kayo! Inihaw na tuyo ang ulam natin ngayon, at sabi ni mare ay puro tinapa, fishball at dilis ang ulam ninyo sa linggong ito!
DARIO: Ahh... ehhh buong taon ay laging ganyan ang ulam namin, pare!
KALOY: (napaluha) Mas mapalad ka, pare! Kami nga, madalas na patis o toyo na pinigaan ng kalamansi ang ulam... Mahina na kasi ang kubra sa jueteng ngayon! [Pabs Rosas]
***
50 years from now, matatanda na tayo.
Hindi na cute. Bungal na, ulyanin pa!
May dalang tungkod. Pauga-uga.
Kaya pa kaya nating mag-text sa isa't isa?
Bawal miskol, kasi, bingi na tayo. [Wylde Ozzy, 0921-650-4782]
***
Sabi nila, kung sino ang may kailangan, siya ang lumapit...
Paano 'yung nalulunod?
Siya rin ba ang lalapit? [Baby Chinito, Zhy, Redge Mosfet]
***
Sa swimming pool...
DIEGO: (nagsisigaw) Waahhh!!! Tulong!!! Tulong!!! Hindi ako marunong lumangoy!!!
ARNEL: Eh ano naman?! Ako nga, hindi marunong magluto... isinisigaw ko ba?! Papansin ka!!! [Baby Chinito]
***
Sa isang cottage, katabi ng swimming pool...
LITO: Ang dami namang langaw rito! Takpan ninyo ang mga pagkain natin!
JUN: Malilinis naman ang mga langaw rito, pinsan!
LITO: Ha? Paano sila naging malinis?
JUN: Lagi silang bagong ligo! [Pabs Rosas]
***
T: Bakit walang kusina ang motel?
S: Dahil sa kama pa lang, nagkakainan na! EAT ALL YOU CAN pa! [Chikoi, 0915-276-0469]
***
T: Anong hayop ang laging galit sa tatay niya?
S: Tay!grrrrr!!! [Jen ng Cavite]
***
Masarap umiyak pag nasasaktan ka.
Masarap manumbat kapag bigo ka.
Pero higit sa lahat... masarap pag hinalikan ka niya habang umiiyak ka! Gusto mong pumalag, pero... masarap, di ba? [Ciara]
***
Nasaan ka ba?
Kanina pa 'ko nagte-text at tumatawag sa 'yo, hindi kita makontak.
May itatanong kasi ako sa 'yo. IMPORTANTE!
'Yung ulo ng sardinas, saan mo inilagay? [Baby Chinito]
***
Kung hindi mo mahal ang tao, huwag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nito. [0920-657-1305]
***
DENCIO: Hon, may taning na ang buhay ko. Huling gabi ko na 'to. Let's make love...
RUTH: Heh! Tumigil ka nga d'yan! Maaga pa akong gigising bukas! Buti, ikaw, hindi na! [Gerald, 0927-328-0548]
***
Usapan ng dalawang bakla...
BAKLA #1: Baklush, balita ko, pinasok ka ng gwapong lalaki na nakahubad sa kuwarto mo?!
BAKLA #2: Oo, kaya nga tumakbo ako palabas, eh! Ikaw, ano ang gagawin mo sa ganu'ng sitwasyon?
BAKLA #1: Tulad mo rin... magsisinungaling! Malandyi ka! [Mikee]
***
MARCO: Pare, bakit hanggang ngayon, wala ka pang syota? Wala ka pa bang napupusuan?
JORDAN: Meron... manhid ka lang!
***
MISIS: Hoy! Tama na 'yang beer mo, masyado kang magastos!
MISTER: Ikaw, make-up mo ang magastos!
MISIS: Nagpapaganda ako para sa 'yo!
MIS­TER: Umiinom ako para gumanda ka!
***
HOLDAPER: Pili ka, wallet mo o pasasabugin ko ang utak mo?
BIKTIMA: Ikaw na ang bahala. Pareho namang walang laman 'yan, eh!
***
Para saan pa ang mala-prinsesa mong mukha, ang girly mong moves at ang sexy body mo... kung mabaho naman ang hininga mo? [Baby Chinito]
***
IRONIES:
#1 Good guys go crazy over easy girls.
#2 Good girls are taken by ungrateful guys.
#3 The most loyal are those being cheated on.
#4 Cheaters are begged by good ones to stay.
#5 The most worthy of good relationships are the ones that aren't taken seriously.
#6 Those greatly hurt by their greatest love end up being players.
#7 Opportunities for relationships come when you least expect it.
#8 You can't stop yourself from loving someone you shouldn't, but can't force your self to love someone you're better off with. [Baby Chinito]
***
FRUSTRATING REALIZATIONS:
#1 You find the perfect love, but in a wrong time.
#2 You find the perfect one, but he/she is not in love with you.
#3 You find the perfect one, but you must be loyal to someone else.
#4 You got the perfect looks, but nobody takes you seriously.
#5 You met the perfect personality, but you're bound to be just friends.
#6 You got brains, but got a frail heart.
#7 You find the courage, but it's just too late.
#8 You're ready to love, but you don't know where to start. [Djsonic, Baby Chinito]
***
No matter how hard we try to be mature... we will always be kids when we get hurt and cry. [Baby Chinito]
***
The second chance means nothing... if nothing was learned from the first. [Baby Chinito]
***
A nice philosophy in life:
“Everything ends up alright. If things are not alright, then it's not yet the end. ” [Baby Chinito]
***
Everyone is a prisoner of his own experiences. [Baby Chinito]
***
Kung ang ahas ay maitim, matapang 'yan.
Kapag ang ahas ay puti, mabait 'yan.
Pero kapag ang ahas ay brown... NAKU! Maghubad ka na! Uten na 'yan! [TopBi, 0918-250-2772]

Source: Abante Tonite