HomeLoginMovie ScheduleNewsStatisticsPreferenceBox OfficeHelp

Alfred Vargas, kumportable sa paghuhubo!

NAGPASILIP na ng kaseksihan (?) si Bea Alonzo sa pelikulang All About Love. Sa kuwento ni direk Jerry Sineneng, sa image ni Bea, na sobrang sweet ang dating, big deal na ang magpakita ng cleavage, lalo na sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Sabi...

Apr 18
 

Alfred Vargas, kumportable sa paghuhubo!

Column: Palaban 'To No!
Author: Dondon Sermino

NAGPASILIP na ng kaseksihan (?) si Bea Alonzo sa pelikulang All About Love. Sa kuwento ni direk Jerry Sineneng, sa image ni Bea, na sobrang sweet ang dating, big deal na ang magpakita ng cleavage, lalo na sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya.

Sabi ni Bea, open na siya sa mga mas mature na papel sa harap ng kamera. Wala nga raw problema kung may mas matitinding eksena na ipagawa sa kanya.

"I�m open. No problem," sabi pa ni Bea.

Pero, hindi nangangahulugan �yon na puwede na siyang maghubad.

"Basta walang nudity, okey sa akin," say pa niya.

Oo nga naman, hindi naman yata babagay kay Bea na maghubad sa pelikula. Hindi naman ang pagpapaseksi ang pinasok niya, �di ba?

"Hanggang cleavage lang po," nakangiting sabi niya.

Anyway, magiging masaya si Bea kung si John Lloyd Cruz pa rin ang makakasama niya sa pelikula na may mature na tema. Kumportable at masaya nga siya sa piling ng aktor na paulit-ulit niyang pinayagan na halikan ang kanyang mga labi.

"Wala na kasing plastikan sa amin ni John Lloyd ngayon. I mean, nag-aaway kami at nasasabi na namin kung ano ang gusto naming sabihin sa isa�t isa. Unlike noon na parang dapat maging plastik ka para hindi ka maka-offend.

"Sa ngayon, nasasabi ko talaga lahat ng gusto kong sabihin sla kanya. Kapag pikon ako, pinapakita kong pikon ako sa kanya," sambit ni Bea.

Sabi naman ni John Lloyd, masarap pikunin si Bea. Banggitin mo lang daw timbang nito, siguradong mapipikon na.

"Maliliit na bagay lang ang pinagtatampuhan namin. Mga bagay na hindi mo aasahan na pag-aawayan namin," say naman ni John Lloyd.

Siyempre, may halikan na naman sina John Lloyd at Bea sa All About Love.

***

Sa presscon ng coffeetable book ni Alfred Vargas, umalingawngaw ang� boses ni Tita Lolit Solis, ang manager ng binata. Sabi ni Tita Lolit, hindi niya inaasahan na magiging malakas at matapang ang loob ng alaga niya na maghubo sa harap ng kamera.

Aba, sa coffeetable book nga ni Alfred na handog din ng Walker, inilabas na lahat ni Alfred ang halos lahat ng sulok ng kanyang katawan. Sa totoo lang, ang nota at balls na lang niya ang hindi niya ipinasilipih, ha!

Imagine, pati ang malagong damuhan sa kanyang harap ay buong ningning niyang ipinasilip. Wala nga siyang pakialam na naghubo sa harap ng kamera ni Ronnie Salvacion.

Sabi pa ni Tita Lolit, naniniwala siya na sa mga susunod na project ni Alfred ay ang nota naman nito ang ipapakita niya.

"Eh, ipinakita na niya lahat, `yun na lang ang kulang. Sigurado ako, next time, `yun naman ang ipakikita niya!" sabi ni Tita Lolit habang tumitili-tili.

Pero siyempre, pangiti-ngiti lang si Alfred sa isang sulok. Sabi nga niya, hindi siya darating sa puntong �yon, na pati ang ibon niya ay ilalantad na niya sa publiko.

Katunayan, sa pictorial nga raw niya sa iba�t ibang lugar sa Dumagueta, umaalis ang mga kasamahan niya sa tuwing maghuhubo na siya. Lumalabas lang daw ang mga ito kapag nakatapis na siya.

May mga nagsasabi rin na exhibitionist si Alfred. Eh, sinong lalake o babae raw ba kasi ang maglalakas ng loob na pati ang malagong buhok sa kanyang harap ay ipakikita sa isang coffeetable book?

"Exhibitionist lang ako kapag mag-isa ako sa kuwarto ko," sabi ni Alfred.

Na siyempre, hindi mo matatawag na exhibitionist �yon, dahil wala namang ibang taong nakakakita sa kanyang kuwarto, �di ba?

"Kumportable kasi ako sa body ko. Hindi ako magpu-pose ng ganito kung hindi ako kumportable sa body ko.

"Hindi exhibitionist ang tawag dito. Kumportable lang talaga ako.

"And I know naman when is the right time to show it, and when is not the right time to show it," sabi pa ni Alfred.

Para kay Alfred, ang babaeng mahal na mahal niya o mamahalin niya ang siya lang may karapatang makakita ng kanyang hubo�t hubad na katawan, lalo na ng kanyang nota.

"Pero sa ngayon, wala pa, eh," nakangiting sabi niya.

Nagpaliwanag din si Alfred sa iba�t ibang shots sa coffeetable book niya. May mga larawan kasi si Alfred na halos bukol na bukol na ang kanyang harap, at may iba naman na flat na flat ang dating.

Sabi ni Alfred, lumalabas lang ang bukol kapag sobrang hapit ng Walker underwear na suot niya. Hindi raw totoo na nagpatigas siya sa ibang bahagi ng larawan.

Siyanga pala, si Joey Diego ang publisher ng coffeetable book ni Alfred. Ang X-Ray Media ang distributor nito, at ang Walker naman ang sponsor.

Source: Abante