|
|
| Alex Gonzaga 'nailigtas' ng TV5 execs kay Cristy Fermin![]() Author: Zyriel Sarmiento HINDI pala natuloy ang pagre-resign ni Alex Gonzaga sa show niya sa TV5 na Juicy. Rumors were spreading na sa pagpasok ni Cristy Fermin sa Juicy, made-demote daw sina Alex at IC Mendoza to field reporters. Ewan namin kung ano ang nangyari sa kanilang pag-uusap, pero according to TV5 insiders, na-save daw nila si Alex sa kagustuhan ni Cristy Fermin at may panibago silang deal na ibinigay dito kaya wait and see muna tayo kung ano pa ang mga susunod na mangyayari. * * * IBANG klase talaga ang broadcaster and public servant, in the real sense of the word, na si Ka Daniel Razon. Siya rin po ang CEO ng UNTV37. Hindi naman siya kakandidato sa darating na elek-syon, pero namahagi siya ng blessings sa pinagsamang grupo ng entertainment press -- PMPC at ENPRESS. Gusto kasing i-acknowledge ni Ka Daniel ang bagong pamunuan ng dalawang grupo kaya nagpatawag siya ng get together. Kahit hindi kami nagwagi sa sandamakmak na appliances na pina-raffle ni Ka Daniel, gusto namin si-yang saluduhan sa effort na ginawa niya para sa mga kapatid sa panulat. Bukod du'n, Ka Daniel is trying to reach out sa mga taga-media by extending his free clinic, free ambulance at iba pang pribilehiyo using his Isang Araw card. Dahil dito, may your tribe increase Ka Daniel at sana, lumawak pa ang UNTV37 na patuloy na tumutulong sa mga artist na hindi nabi-bigyan ng break ng ibang TV stations. * * * MAY babala ang veteran fashion designer na si Mama Rey Gotengco sa mga ka-patid sa fashion designing industry at salon owners. Dati niyang tauhan si Jason Dogillo na umano ay niloko siya at nakakuha ng pera at branded make ups na nagkakahalaga ng P15,000. Sa kuwento ni Mama Rey, naloko siya ng taong ito kaya binibigyan niya ng warning ang iba na baka mag-apply sa kanila si Jason at gamitin ang kanyang pangalan. Mag-ingat daw sila sa taong ito na nagtrabaho sa salon ni Mama Rey sa Sangandaan, ang Orange and Raymond. * * * ISA sa medical scholars ni FG Miguel Arroyo ang nakatawag-pansin sa international medical community dahil sa kanyang award-winning research paper na prinesent niya sa 18th Ain Shams International Medical Students' Congress sa Cairo, Egypt. Siya ay si Dr. James Salisi na isa nang barrio doctor sa Dinagat Island. Nakakuha ng recognition ang ginawa niyang research paper kaya tuwang-tuwa ang grupo ni FG Arroyo sa kanya. "Dr. Salisi brought prestigious honor and respect to our country. With dedicated young professionals like him, we will continue to gain respect from the international community, especially in the field of medicine," pahayag ni First Gentleman. Dahil kay Dr. James, lalong na-inspire si FG na tumulong sa mga estudyanteng nangangarap maging doktor lalo na 'yung mga kabataang galing sa mahirap na pamilya. Nagpapasalamat naman si Salisi kay First Gentleman at FGFI president Juris Umali-Soliman dahil sa tulong na ibinigay nila sa kanya. "What we have achieved thus far in our budding careers in medicine would not have been possible without the First Gentleman and your support. I am always grateful that I have been an FG scholar and lucky that the Foundation has always helped us in the most crucial years of our medical education and now in our career. I can't tell you how much I appreciate your kindness and your belief in us FG scholars. I can only share with you my happiness and my achievements for they are yours, too," ayon sa e-mail message ni Salisi kay Mrs. Soliman. * * * FOR reactions, please e mail mediatouch 2000 @yahoo. com Source: People's Journal |