HomeLoginMovie ScheduleNewsStatisticsPreferenceBox OfficeHelp

Aktres, nasaktan sa ex-boyfriend

NANG makausap namin si Mark Herras noong Huwebes nang hapon, inamin niya na tumagal ng apat na buwan ang secret love affair nila ni Rhian Ramos. Pero sa presscon para kay Rhian noong Biyernes, itinanggi niya na naging boyfriend niya si Mark. Importa...

Apr 23
 

Aktres, nasaktan sa ex-boyfriend

Author: Jojo Gabinete

NANG makausap namin si Mark Herras noong Huwebes nang hapon, inamin niya na tumagal ng apat na buwan ang secret love affair nila ni Rhian Ramos.
Pero sa presscon para kay Rhian noong Biyernes, itinanggi niya na naging boyfriend niya si Mark.
Importante raw sa kanya si Mark pero hindi raw umabot sa boyfriend-girlfriend ang kanilang relasyon.
Isa kina Rhian at Mark ang hindi nagsasabi ng totoo dahil magkaibang-magkaiba ang mga sagot nila.
At dahil na rin siguro sa sunud-sunod na tanong ng mga kaharap na reporter, napaluha si Rhian.
Mahaba ang kanyang paliwanag pero sa bandang huli, inamin ni Rhian na minahal niya si Mark.
Halata sa mga sagot ni Rhian na hindi maa­yos ang pagwawakas ng relasyon nila ni Mark.
Nag-sorry si Rhian kay Mark dahil sa mga u­nang pahayag niya na hindi sila nagkarelasyon.
Hindi na namin inaasa­han na sasagot pa si Mark sa mga pahayag ni Rhian dahil siguradong paiiralin niya ang pagiging gentleman.
Ang importante, lu­mabas ang katotohanan at naiintindihan namin kung inilihim man nila sa publiko ang kanilang relasyon na nag-umpisa sa shoo­ting ng ITALY.
***
Malapit nang magsa­lita ang isang aktres tungkol sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend.
Nakumbinsi ang aktres na magsalita dahil sa mga bintang na materyosa siya.
Masyadong nasaktan ang aktres kaya pinili muna niya na manahimik.
Kapag nagsalita ang aktres, siguradong marami ang magugulat sa kanyang mga ibubulgar na hindi ikatutuwa ng ex-boyfriend niya.
***
Balik-pelikula ang da­ting child actor at That's Entertainment member na si Fredmoore de los Santos.
Si Fredmoore ang gaganap na Jojo Binay sa isinapelikulang life story ng alkalde ng Makati City.
Walang Iwanan, Walang Atrasan ang pamagat ng bio-flick ni Mayor Binay na mula sa direksyon ni Cyril Lorenzana at  pinrodyus ng 7101 Islands Entertainment Production.
Magkakaroon ng press launch sa darating na linggo ang Walang Iwanan, Walang Atrasan at posib­leng isabay sa okasyon ang announcement ni Mayor Binay tungkol sa political plans niya sa 2010.
Maugong ang balita na may balak si Mayor Binay na kumandidato bilang Pangulo ng Pilipinas at susuportahan ni former President Joseph Estrada ang kanyang kandidatura.
Meanwhile, hindi nagdalawang-isip ang 7101 Islands Entertainment na gawing pelikula ang life story ni Mayor Binay dahil magsisilbi itong magandang inspirasyon sa ating mga kababayan.
***
Kasali sa cast ng All About Eve ang dating sexy actress na si Carmen Ronda.
Nagkaedad na ang itsura ni Carmen pero maganda pa rin siya, pati na ang hubog ng kanyang katawan.
Dumaan sa mara­ming pagsubok si Carmen, at hindi niya ikinahiya ang paghihirap na pinagdaanan.
Malaking tulong para kay Carmen ang pagkakaroon ng regular show sa GMA 7. Kahit paano, makakatikim na uli siya ng kaginhawahan sa buhay.

Source: Abante Tonite